"Damn it!" Binalibag ni Louie ang cellphone sa kama matapos kausapin ang private investigator na inupahan niya upang hanapin si Elyssa. Isang linggo na magmula nang madiskubre nito ang tungkol sa tunay na ina at isang linggo na rin niyang hindi ito nakakausap. Iritableng humiga sa kama ang binata. Wala siyang ideya kung nasaan ang kasintahan. Mukhang mas marami pa siyang dapat alamin tungkol dito. Kahit si Marra ay wala ring alam kung nasaan ang pinsan nito. Wala rin sa bahay nito sa probinsiya si Elyssa at napag-alaman ni Louie na kahit ang abuela at tatay nito ay naglaho rin na parang bula. Hindi na rin mapakali ang inain niya dahil sigurado siyang nag-aalala ito para sa anak nito. Pinakilos na rin ni Louie ang lahat ng mga koneksyon niya pero hanggang ngayon ay wala pa ring balita