Malungkot ang ngiti na humarap kay Elyssa ang ama bago ito nagsimulang magkuwento. "Isang linggo matapos mawala ang nanay mo ay naglakas loob akong pumunta ng Maynila upang alamin kung tama nga ang hinala kong bumalik siya sa nakagisnan niyang buhay. Tama nga ako. Nandoon siya." Saglit itong huminto sa pagsasalita at lumagok ng hawak na in can beer na ibinigay ng dumaang pinsan ni Elyssa, ang anak na lalaki ng kanyang Tiya Feliz. Tahimik lang na nakikinig si Elyssa habang nakatungo sa hawak na beer. Nagpatuloy sa pagkukuwento ang kanyang ama. "Pero hindi ako nakapasok sa mansiyon at hindi siya nakausap dahil agad akong ipinagtabuyan ng lolo mo. Pumasok sa isip ko na talaga ngang binalewala na tayo ng iyong ina. Na wala na tayong halaga sa kanya. Na hindi niya kayang ipagpalit ang buhay