Luna POV* Di pa nagtatapos ang kaarawan ni Juno. Kinaumagahan ay maaga akong nagising at napatingin ako sa kanya na mahimbing na natutulog at nakayakap pa sa akin habang ang mukha niya ay nasa leeg ko. Kahit kailan talaga tung isang ito addict sa leeg ko eh. Magkaharap kami ngayon kaya kitang kita ko ang tulog na mukha niya. Dahan dahan kong hinalikan ang noo niya at napangiti ako. Dahan dahan ko ding inalis ang kamay niya na nakayakap sa bewang ko at succeed ko naman iyong naalis at agad tumayo at kinuha ko ang phone ko at pumunta sa mini office ko. Binuksan ko ang notebook ko at isa isang tinawagan ang mga taong naghanda sa mini date party namin ni Juno. At kaming magpamilya lang ang dadalo kasi ang mga magulang din naman ni Juno ay may business meeting sila ngayong araw kaya di si

