Luna POV* Kumain pa kami sa labas nila Caleb at Jonathan eh sa ginugutom ako eh di ako kumain ng umagahan kanina. Napatingin ako sa kanilang dalawa na di pa din makapaniwala na buhay ako. "Stop staring at me. Ang creepy ninyo." "Di pa din kami makapaniwala na nandito na po kayo sa harapan namin, Lady Luna." Biglang umiyak si Caleb at natawa na lang ako kasi ang cute nilang dalawa at may patango tango pa si Jonathan at hinimas himas pa niya ang likod ni Caleb. "Pero may amnesia pa din ako pero don't worry unti unti naman akong nakakaalala dahil sa familiarity na nararamdaman ko sa inyong lahat." Nanlaki ang mga mata nila. "Wag po kayong mag aalala, Lady Luna. We'll do anything para unti unting bumalik ang alaala mo." Tumango tango ako at sabay ngiti. "Salamat sa inyong lahat lalo

