Naging maayos naman ang takbo ng relasyon namin ni Zach. Katunayan nga ay mahigit isang linggo na ang nakalipas nang bumisita kami sa bahay ng magulang ni Zach. Wednesday ngayon ng umaga at kahit na-late ng mahigit dalawang oras si Zach sa trabaho niya ay pumasok pa rin siya. As usual, binilinan na naman niya ako ng mga kung ano-ano bago siya umalis. Sinabi ko rin sa kanya na aalis ako bandang tanghali para magliwaliw lang muna sa mall, Pumayag naman siya, gusto pa nga niya akong samahan pero sabi ko ay 'wag na, mabuti na lang at hindi na rin siya nagpumilit pa. Hindi rin maalis ang ngiti ko dahil sa ka-sweetan na ipinaparamdam sa akin ni Zach. Patagal kasi kami ng patagal ay lansin ko ang pagiging sweet niya. Inubos ko rin ang oras ko sa paglilinis ng bahay, pagpatak ng alas-dose ng ta