Mula sa pagkakahiga sa napakalambot na kama ay bigla akong naalimpungatan nang makarinig ako ng ingay na nagmumula sa banyo. So get out, get out, get out of my mind And fall into my arms instead I don't, I don't, don't know what it is But i need that one thing Inis akong kumamot sa ulo ko. Tuloy-tuloy pa rin si Zach sa pagkanta sa loob ng banyo. "Zach!" Mabilis na tumahimik sa banyo, pati nga ang ingay nang shower ay nawala. Sumilip ang mukha ni Zach mula sa loob. "Yes baby?" Ngiti-ngiting tanong nito. "Magpatulog ka pwede ba!" Inis na sabi ko rito at kinuha ang unan sa tabi ko at isinalampak sa mukha ko. So get out, get out, get out of my mind Come on, come into my life I don't, I don't, don't know what it is But i need that one thing and you've got that one thing Hindi na ako