Warning: SPG 18+ Magaan ang loob ko sa pamilya ni Zach lalo na sa kapatid nito. Katunayan nga ay Tita na ang tawag ko sa mommy ni Zach at Tito naman sa asawa nito at tulad ni Zach ay mabait nga ang pamilya niya. kasalukuyan kami ngayong nasa hapag-kainan at kumakain. Muli akong napalingon kay Zach na masigla at masayang kumakain sa tabi ko. "Zach? Bakit parang sobrang saya mo yata? Normal lang ba 'yan anak?" Tanong ni Tita Miranda. Hindi lang pala ako ang nakakapansin sa pagiging sobrang masigla ni Zach. "Wala Ma." Sagot ni Zach at mabilis na kumakain. Binalingan naman ako ng tingin ni Zach at nagsalita habang punong-puno ang bibig. "Tapos ka na ba? Patapos na ako." Sabi ni Zach sa akin. Muntik na akong mapasimangot kung wala lang talaga ang pamilya ni Zach dito. Hindi ba niya napapans