Hindi ko talaga maiwasang hindi mamangha lalo na nang makita ko kung gaano kaganda ang mansion nila dito sa Calamba, Laguna. Kabababa pa lamang namin ng sasakyan ni Zach pero nagniningning na ang mata ko sa mga nakikita ko. Bago kami makapasok sa bahay nila ay sinalubong kami ng dalawang guwardiya. "Magandang Araw po Sir!" Saludong sabi ng dalawang guwardiyang nasa harapan namin ngayon. Binigay ni Zach ang susi ng kanyang Audi sa isa sa mga guwardiyang nasa harap namin. Nanlalaki ang matang yinaggap naman iyo ng guwardiya. "pakipark naman ng maayos yung kotse ko.." ani Zach. Tanging pagtango lamang ang naisagot ng guwardiya at lumakad na patungo sa kotse ni Zach, Kinuha ni Zach ang aking kaliwang kamay. "Why are you so tensed baby?" Halakhak nito at hinalikan ang kamay kong hawak niya.