Muli akong napangiti nang halikan nanaman niya ang kamay ko habang nagmamaneho siya patungong laguna sa bahay ng magulang niya. Napansin ko kasi na trip na trip niyang paglaruan ang mga kamay ko. Pati nga sa pagtulog, bago siya makatulog kailangan hawak-hawak pa niya ang kamay ko na tila pinaglalaruan nga 'yon. Binuhay niya ang stereo at binitawan na ang kamay ko matapos niyang paglaruan at halikan. Mas lalo akong napangiti nang marinig ko ang kanta. Lift your head, baby, don't be scared. Of the things that could go wrong along the way You'll get by with a smile You can't win at everything but you can try. Tinignan kong muli si Zach na seryoso ang mga matang nakatingin sa kalsada. Ngumisi ako at idinako ang tingin sa labas ng bintana. Sigurado akong mahal ko na nga ang lokong ito. I