Sobra ang kaba sa dibdib ko dahil ipapakilala na ako ni Zach sa family niya. Hindi naman ako nakaramdam ng ganitong kaba sa iba pero ngayon ay sobra-sobra. Kahapon. Sinabi sa akin ni Zach na gusto na niya akong ipakilala sa parents niya at wala na rin akong magagawa kung hindi ang pumayag na lamang. Ito na rin siguro ang tamang panahon para dito. Mariin akong napapikit nang marinig ko na ang tawag ni Zach mula sa labas ng bahay. Maaga kasi siya umuwi ngayon para daw makapaghanda kami sa pupuntahan namin. Alas tres palang ng hapon pero wala ng humpay ang kaba sa aking dibdib. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at sinalubong si Zach na tinatanggal ang salamin niya. "Hi baby.." Aniya kasabay nang pagkuha at paghalik niya sa kabilang kamay ko. Pinamulahanan naman ako ng mukha at wala akong magaw