Kabanata 34

990 Words

"Ginabi ka yata ulit?" Tanging ngiti lamang ang sinalubong sa akin ni Zach. Ilang araw na siyang gabi umuuwi, kapag tinatanong ko naman siya ay ngumingiti lamang siya at hinahalikan ang pisngi ko. "hi baby.." Hindi na ako nagulat pa nang halikan niya ang pisngi ko. "Ginabi ka? Working hours pa rin ba 'yan?" Nag-aalalang tanong ko rito. Ngumisi ito at niyakap ako patalikod. "Uhh yeah.." Sabi niya, umiwas naman ako nang maamoy kong amoy alak na naman siya. Hindi naman siya ganito noong una. Malay ko ba ngayon. "Nag-inom ka nanaman?" Tila ba hindi na mapakali ang sarili ko sa nasasaksihan kong pagbabago ni Zach. Weeks na ang nakakalipas pero patagal ng patagal ay pagabi ng pagabi ang uwi niya. "H-hindi.." Umiling ako, at hinarap siya. "Hindi? Eh, amoy alak ka? Zach may problema ka ba?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD