Muli akong nagpakawala nang isang malalim na buntong hininga habang tuloy-tuloy sa pag-alpas ang mga luha kong kanina pa nag-uunahang bumagsak. Hindi ko rin namalayan na dahil sa kakaiyak ko ay inabot na pala ako ng madaling-araw. Past 2 AM na pero gising pa rin ako. Pilit bumabalik sa isipan ko kung paano kami nagkakilala ni Zach, kung paano niya ako ligawan at kung paano niya ako mahalin. Hindi ko lubos maisip na aabot sa puntong ganito ang relasyon naming dalawa. Mabilis kong pinunasan ang mga luha kong nag-uunahang bumagsak nang marinig ko na ang pagbukas ng pinto. Iniayos ko na ang higa ko at humarap pa-talikod sa pwesto niya. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko pero hindi ko magawa. "Nakakapagod!" Pumikit ako ng mariin nang marinig ko ang boses niya, naramdaman ko ang paglubog n