"Mama! Hindi naman po talaga ako 'yung unang nag-away eh!" Nakangusong sabi sa akin ni Travis. Kinuha ko ang panyo na nasa bulsa ko at pinunasan ang pawis niya. "Eh, ba't sabi ni teacher, sinuntok mo daw si Anthony?" Sabi ko rito. Kinuha ko naman ang backpack niya at ako na ang nagbit-bit 'non. Mabilis na umiling-iling si Travis habang siya na mismo ang nagpupunas ng pawis niya. "Mama, hindi talaga ako ang nag-una na sumuntok, tanong mo pa mamaya kay kuya!" Sabi ni Travis at tinuro ang kuya niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos sa pagsagot ng quiz nito. Binalingan ko naman ng tingin ang kapatid niyang si Troy, tapos na ito sa pagsagot kaya pinasa na niya ang papers niya sa teacher niya. "Mama!" Tawag sa akin ni Troy nang makalabas siya sa klase. Yumakap at humalik sa pisngi ko

