TMP38: New Divine Ang sama ng tingin ni Arkin sa kanyang ama, habang ginagawa niya 'yon pinagdadasal niya sa kanyang isipan na sana walang mangyaring masama kay Darcy, na hindi ito mahuli ng kahit na sino, pero nawala siya sa kanyang pag-iisip nang mapasulyap siya sa lagusan ng eskinita kong saan may papalabas doon, pamilyar ang mukha nito sa kanya, hindi lang siya ang natigilan nang makita nila kong sino ito, mas lalo silang nagulat nang makita nila kong sino ang karga ni Gyin. Ang walang malay na si Darcy, nang lalaki ang mata niya at napatayo, kukunin niya ang dalaga sa matandang 'yon nang sipain siya ng isang bampira sa likuran para siya'y madapa sa kalsada. Lalo siyang na inis sa ginawa nito sa kanya, may hahawak sana sa kanya nang hatakin niya ang kamay na 'yon at pilipitin. Nagka