TMP29: Burden Dahang-dahang dumilat ang mga mata ni Arkin, bahagyang nararamdaman niya ang sakit ng ulo, pagkirot ng iba't ibang parte ng katawan niya, lalo na ang pagkahilo na animoy umiikot ang mundong kinalulugaran niya. Gustuhin man niyang tumayo ay hindi niya magawa dahil sa sakit ng katawan niya, nakatingala lang siya sa kakaibang desinyo ng kisame, napakunot siya at nagtataka kong na saan siya ngayon. "Mabuti naman at gising kana," hindi makita ni Arkin ang boses babaeng nagsalita dahil nakahilata parin siya sa kama hanggang ngayon, hindi niya maigalaw man lang o makaupo sa kama para malaman kong sino ang nagsalita. Pero laking gulat na lamang niya nang may tumingala sa kanyang mukha, pamilyar na mukha, isang mortal na kaaway ng Autunno, ang Reyna ng Sempreverde. Nakangiti ito sa