TMP30: Taster Than Blood "Darcy?" Lalong hindi makakilos ang dalaga sa kanyang kinatatayuan nang tawagin siya ng binata, boses na gustong-gusto na niyang marinig noon pa. "Darcy ikaw ba yan? Darcy," paulit ulit nitong tawag sa kanya. Hindi na niya na pigilan pa at tuluyan siyang lumapit sa kama, dahan-dahan siyang sumampa doon para makatabi ang binata. Tuluyan na rin niyang hinawakan ang kamay ng binata, kaya napasulyap ang binata sa direksyon niya, may ngiti ito sa labi at saya sa mga mata dahil sa kinang ng makita siya nito. "Ikaw nga?" Muli niyang na isip na hindi ito ang tamang panahon para makipagtalo sa kanyang nararamdaman, ito na rin naman na ang huling pag-uusap nila at paglapit sa binata. "Bakit ka na andito? Bakit ka pa pumunta dito?" "Dahil sayo," muling natigilan si Darcy