CHAPTER 13

2890 Words

NAGTUNGO NG KUWADRA si Dominique upang hiramin ang kabayo ng pinsan niya.  Naiinip na kasi siya sa bahay at nami-miss na rin niya ang pangangabayo.  Balak pa naman sana niyang dalawin si Pinkalush sa Artemis once na nakabalik na siya ng Maynila. “Pasensiya na, Ma’m,” wika ng head stable boy doon.  “Pero hindi ho namin puwedeng ipahiram sa inyo ang kabayo ni Sir Neiji.” “Bakit?  Pinsan naman niya ako.  Isa pa, licensed equestrienne ako.  Kayang-kaya kong magpatakbo ng kabayo.” “Oo nga, Ma’m.  Ang kaso ho, nasa patakaran ng SRC na bawal ang mga babaeng sumakay ng kabayo nang walang supervision ng kahit sa mga club members.  Pasensiya na ho talaga.” Napabuntunghininga na lang siya.  In the world of men, hinding-hindi talaga pupuwede ang mga babae.  How egoistic.  But who could blame them?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD