SA BAKANTENG mesa di kalayuan sa iniwan nilang grupo iginiya si Dominique ni Zell. At pakiramdam niya ay siya na ang pinakamagandang babae sa buong mundo nang hawakan nito ang silya upang makaupo siya nang maayos. “Thank you.” “You’re welcome.” Then he took the empty chair beside her. “What do you want to eat?” “Ha?” Hindi siya makapag-isip nang maayos. Maraming beses na siyang naka-encounter ng mga lalaking gentleman. Pero bakit ngayon lang siya ganito ka-affected? Dahil ba si Zell ang nagpapaka-gentleman sa kanya? O dahil hindi niya inaasahang magiging ganito kadali para rito ang tanggapin siya sa buhay nito? Pero ano ba ang inirereklamo pa niya? Ayaw pa ba niya ng ganitong sitwasyon? Wala siyang problema kay Zell. Paano kaya nasabi ng kumag kong pinsan na iyon na hindi