“BUT I GUESS ‘Daddy’ Kai won’t let anyone date his precious daughter.” Napahinto si Dominique nang marinig ang boses ng isa sa kambal sa may Rider’s Veranda. Katabi ng mga ito ang isang babaeng bagong biktima na naman yata ng kamandag ng mga ito. She knew that woman. Ito si Zia, ang bestfriend ng Stallion member na si Kai Montezor na isa sa mga nuknukan ng palikerong lalaki roon. May palagay siyang natuklasan na rin ng kambal ang lihim na pagtingin ng babae para sa bestfriend nito. It was just a good thing Kai felt the same. Paano niyang nalaman? Let’s just say na mula nang matuto siyang magmahal ay naging mas malakas na ang radar niya sa mga ganitong bagay. Doon sana siya sa Rider’s Veranda manonood ng ranking competition ng mga club members kung saan ang pinsan na niyang si Ne