KAKATAPOS LANG NI Naarah mag-toothbrush nang makarinig nang sunod-sunod na katok mula sa pintuan. Nagpunas siya ng bibig na basa pa bago binuksan ang pintuan. “Hi! Nakalimutan ko palang tanungin, saan tayo? Dito, o sa bahay ko?” “Sa bahay mo na lang. Mas malawak ang sala mo kompara sa akin.” “Okay. Ihahanda ko na. Hihintayin kita,” nakangiting sabi nito bago tumalikod. Pumunta lang pala dito para tanungin siya. Umakyat muna siya para magbihis. Nakapambahay lang kasi siya ng mga sandaling ‘yon. Nakakahiya kung hindi siya magbibihis, kahit bagong damit man lang siguro. Selpon at wallet lang ang bitbit niya nang bumaba. Sa kabila lang naman, e. Dinaanan niya rin ang susi ng bahay niya sa drawer na pinaglalagyan niya ng mga susi. Ila-lock niya dahil hindi safe na mag-iwan ng bahay na hin