THREE WEEKS LATER… “Ate Arah!” Napalingon si Naarah nang marinig ang boses ni Jacob. Tumigil siya at hinintay ang bata na makalapit. “O, saan ang punta mo?” “May bibilhin po sa bookstore. Kayo po?” tanong nito sa kan’ya. “May bibilhin din ako, pero sa grocery naman,” sagot niya. “Eh, bakit po kayo naglalakad?” Napangiti siya rito. “Kakain ko lang kasi, kaya sabi ko maglalakad na lang ako hanggang doon.” “Medyo malayo kaya, Ate.” “Sus, sanay ako sa lakaran, Jacob. Saka malapit na, o.” Tinuro niya ang establisyimento na natatanaw. Tumingin siya sa magkabilaang side bago hinawakan si Jacob sa kamay. Tumawid sila sa kabila. Malapit na sila noon sa mismong establisyimento na pupuntahan, kung saan naroon ang bookstore at grocery-han. Kanina pa siguro siya nakita ni Jacob, at hinahabol,