Chapter 37: Being chased

2127 Words

NATIGILAN SI NAARAH sa paghawi ng kurtina nang makita ang paghinto ng sasakyan sa labas. Huminto ito sa mismong tapat ng inuupahan niya. Hinintay niyang may bumaba doon, pero walang lumabas ni isa man. Inorasan niya pa iyon, mahigit tatlong minuto na itong nakatambay. Bumukas ang bintana ng sasakyan mayamaya. Napakunot siya ng noo nang tumingin ito sa bintana niya. Parang alam nito na doon ang silid niya. Madilim nang mga oras na iyon sa silid niya kaya hindi siya nito makita. Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil nakasumbrero ito. Bumaba ang tingin nito sa pintuan niya. Matagal din itong nakatingin kaya napaisip siya. Bigla siyang binundol ng kaba. Tumingin siya sa drawer niya kung saan nakalagay ang laptop. Tama naman ang nadala kanina ni Jacob na laptop sa baba, kaya imposibleng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD