PABAGSAK NA NAUPO si Naarah sa may gilid ng creek. Tinanggal niya ang bag at maingat na nilapag sa tabi. Sumadnal siya sa may sementong pader ng tulay. Sinapo niya ang dibdib at pinakalma. Ngayon lang kasi siya nakapag pahinga simula kanina. Hindi niya alam kung ilang oras na siyang naglalakad. At nang makakita ng creek, bumaba pa siya para linisan sana ang sarili niya. Pero ang malas niya dahil sobrang itim din ng tubig na naroon. Paano siya nito makaligo? Inilinga niya ang paningin, talahiban na ang nasa paligid. Puwede nga siyang pansamantalang magpahinga doon. Ang problema lang, baka may ahas o ano pa mang hayop na namamahay sa bahaging iyon ng creek. Saglit siyang umidlip at pagkagising ay naghanap siya ng mahihingan ng tulong. Pero madilim pa, sarado pa ang mga kabahayan. Wala si