NAPATIGIL SI NAARAH sa paghakbang nang maramdamang may sumusunod sa kan’ya. Dahan-dahan siyang lumingon. Nakahinga siya ng maluwag nang mapansing bata lang pala. Ganito na siya kapraning dahil sa kakatago. Dalawang linggo na rin mula nang tumakas siya paalis ng Manila. Dito siya dinala ng tadhana sa parteng norte. Anim na oras din ang biyahe mula Manila. “Isang bar ng sabon at tatlong stick ng kape nga po,” aniya sa tindero ng tindahan. “Saka dalawang mamon pa po pala.” Ngumiti sa kan’ya ang tindero ng tindahan at binigay iyon sa kan’ya. Kaagad namang binayaran niya dahil may mga papalapit na mga residenteng bibili din. Hindi pa man siya nakakaalis sa tindahan nang may humintong sasakyan at trickle. Marami na namang turistang dumating para pumunta sa falls na malapit sa barangay na kin