“HANGGANG KAILAN KA DITO?” tanong ni Naarah habang naghuhugas ng mga platong pinagkainan nila. Dito na rin niya pinakain ang binata. Wala pa raw kasi itong kain kanina pagkagaling ng mga ito sa falls. “K-kapag gumaling na ako. I-I think I’m sick.” Muli niyang nilingon si Akilah na noo’y nakaupo sa upuang gawa sa kawayan. Yakap nga nito ang ssarili. “Ilang oras ka na bang nakababad sa ulan?” seryosong tanong niya. “Two hours?” Parang hindi pa ito sigurado sa mga sinabi. Parang gusto niya itong sigawan pero pinigil lang niya ang sarili. Bakit naman kasi ito nagpaulan? Feeling strong lang? “Ano bang akala mo sa sarili mo, strong?” hindi na niya napigilang sabihin pero sa mahinang boses. “H-Hinahanap kita. Hindi naman pala kasi Naarah ang ginamit mong pangalan. Hindi ko maipakita ang pict