HINDI PA MAN siya tapos magsalin ng tubig sa planggana na maliit nang marinig sa likuran ang pagbangga sa mesa. “Akilah!” aniya nang makitang nakatayo na pala ito doon. Namumungay na ang mata nito dahil sa mga nainom. Lalapit sana ito sa kan’ya nang muntik ng mabuwal. Buti na lang inisang hakbang niya ang pagitan nila at nahawakan ang kamay nito. “Ano ba kasing ginagawa mo dito? Dapat humiga ka lang doon!” pagalit niya dito habang inaalalayan ito pabalik sa sofa na gawa rin sa kawayan. “A-akala ko kasi i-iniwan mo ako.” Nagpout pa ito na parang maiiyak na. “Iniwan nga kita. Kukuha ako ng tubig para mapunasan ka.” Inistretch niya ang mga kamay niya dahil nangalay sa pag-alalay dito nang makabalik sa upuan. “Mahiga ka nga muna at babalikan ko lang ang planggana,” ani pa niya nang mapa