“WHAT DO YOU think, Arah?” “P-po?” Tumingin siya sa asawa niyang walang imik. Gusto ng ina ni Akilah na dumalaw sila after niya raw na manganak. Wala sa kan’ya ang desisyon nasa asawa niya. “Pag-iisipan pa naming mag-asawa. Hindi kami p’wedeng mawala nang matagal dito dahil may mga commitment pa kami,” walang buhay na sagot ni Akilah sa ina niya. “S-sige, anak. Pero sana i-consider niyong mag-asawa. Maghihintay kami.” Lumingon ang ina ni Akilah sa ama at ngumiti. Mukhang kailangang ng tatlo ng space kaya nagpaalam siya sa mga ito. Kunwari ay may tatawagan. Pero ang balak niya, sa labas na lang muna maupo. Maganda naman ang ambiance kaya hindi siya mabo-bored. Gusto niya talagang magkaayos na ang asawa at ang magulang nito. Maganda pa rin ang may buong pamilya. Siya kasi hindi niya na