"CUTE, CUTE NAMAN," tuwang-tuwa na sabi ni Naarah nang ngumiti ang anak na si Zale. Zale na ang ipinangalan niya nang tanungin siya ng nurse. Nawala na sa isip niyang kausapin si Akilah kung gusto ba niya ang pangalang iyon. Pero nasa isip na niya iyon ng matagal. Nasa bisig niya ngayon ang anak habang hinihintay si Akilah. Bumili lang ito ng ilang gagamitin niya hanggang mamaya dahil naiwan nga sa bahay nila ang mga pinamili nila. Hindi naman kasi niya akalain na mapapaanak siya nang mga oras na 'yon. "Hey." Napatingin siya sa pintuan nang marinig ang boses ni Akilah. May dala na itong gamit nila, pati ng pampalit niya. "Kanina pa siya gising?" nakangiting tanong nito pagkalapag ng gamit. "Kakagising lang niya." Muli na naman siyang napangiti nang makita ang anak na naka-smile. "Ak