“H-HINDI TOTOO ‘YAN,” aniya sabay iling sa mga sinabi nito. May inabot ito sa kan’ya na folder. “That’s a scanned copy from my assistant. Hindi ko p’wedeng dalhin dito dahil baka punitin mo.” Kahit na kabado, kinuha niya ang inabot nito at dahan-dahang binuksan. Natigilan siya nang makita ang salitang COUNTY OF LOS ANGELES. Nagbaba din siya ng tingin. May nakasulat ding registrar-recorder kaya napalunok siya. Nagsisimula nang manginig ang laman niya nang mga sandaling iyon pero hindi niya pinakita dito. Binasa pa niya ang buong pangalan nito at ni Akilah. Yeah, masakit. Muntik nang mabitawan ni Naarah ang papel nang makita ang date kung kailan innaccept sa registrar. Dalawang tatlong na ang nakakaraan? Nag-angat siya ng tingin kay Bea. “Wala ka bang magawa sa buhay mo at pumunta