INAASAHAN NA NI Arah ang resulta ng DNA test. Tatlong laboratory ang pinagpasahan niyon. Ang isa, siya ang pumili. Humingi siya ng tulong kay Nikki noon pero hindi niya sinabing sa kan’ya at sa ama niya iyon. Tumingin siya sa amang nakangiti ng matamis. “San, naliwanagan ka na anak,” anito sa kan’ya. Marahan siyang tumango sa ama. “Pero hindi pa po ako sanay sa kung anong meron kayo. Kaya sana, sumunod kayo sa unang kasunduan natin na hindi muna ako titira sa bahay niyo. Hindi naman po kasi gano’n kadali. Pero lagi naman po akong dadalaw para makasama kayo,” “Thank you, anak. Napag-usapan namin ni–” Tumingin muna ang ama sa asawang masuyo lang nakikinig sa kanila. “... ng asawa mo. Siya na ang bahalang magbantay sa ‘yo. Anyway, aasahan ko ang sinabi mo.” Mukhang hirap pa rin talagang