Chapter 61: Unexpected Moment

1580 Words

“WAIT!” PIGIL NI Naarah sa dalawang tauhan na humawak kay Aki. Napalingon tuloy ang ama niya sa narinig. “Isasama ko siya sa baba.” Nakatingin siya sa ama kaya alam nitong ito ang kausap niya. “Make sure na kasama siya. Hindi mo pa ako nakitang magalit.” Tumingin muna ito na may pagbabanta kay Akilah bago ito tuluyang tumalikod. Napangisi siya nang marinig ang pagpakawala ni Akilah ng hininga. “Nakakatakot ang Daddy mo, babe.” Sapo pa nito ang dibdib na sunod-sunod ang pagtaas-baba dahil siguro sa kaba. “Medyo. Pero si Akilah ka, ‘di ba? Kaya bakit ka natatakot.” Tiningnan siya nito. “Iba ang Daddy mo, babe. Believe me. Never kong naranasan ito kay Bea.” Natigilan ito nang mapagtanto nito na pangalan ng dating nobya ang nabanggit nito. “I’m sorry,” mabilis na humingi ito ng tawad.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD