NAPATINGIN SI NAARAH sa pintuan nang biglang bumukas iyon. Iniluwa no’n ang galit na si Molly. “P’wede ba, kumain ka ng mabuti! Pinag-aalala mo ang Daddy! Hindi rin siya nakakakain ng maayos dahil sa kaartehan mo!” Nagpantig bigla ang tenga niya sa sinabi nito. “Hindi mangyayari ‘yan sa kan’ya kung pumayag siyang kausapin ko si Akilah! Tanggap ko na kayo ang pamilya ko! Pero ang ikulong ako dito, hindi! Kailangan ko ring malaman ang side ni Aki dito! Hindi ‘yong side niyo lang dapat kong pakinggan.” “Kapag pinagbigyan ka ba ni Daddy, hindi mo siya tatakasan? Siya na lang ang meron tayo, Naarah. Kilalanin mo kasi muna siya bago ka humusga sa kan’ya. Ginagawa niya ang lahat ng ito para protektahan ka sa pamilyang iyon.” “Eh ‘di, kilalanin niyo din muna si Akilah bago kayo humusga,” balik