DALAWANG ARAW NA simula nang walang natanggap na mensahe mula kay Naarah si Akilah. Nag-aalala na naman siya ng sobra. Paano kung iniwan siya nito at hindi na magpapakasal sa kan’ya? Nagtanong-tanong na siya sa mga kapitbahay. Umalis nga si Naarah nang araw na iyon papuntang sementeryo. Na-check na niya ang CCTV sa loob pero saglit nga lang ang dalaga doon. Wala pa siyang balita kay Sai dahil umalis ito ng bansa. Wala rin siyang access sa bahay nito. Mas kompleto ang app na hawak nito. Ang tanging meron lang siya sa telepono pero nakapatay iyon. Hindi na rin siya nag-abalang maglagay sa mga gamit nito ng tracker dahil wala namang threat para sa dalaga. Kaya nga iniisip niyang baka nagbago ang isip nito. Kinausap na niya ang magulang kung dinalaw ba si Arah pero hindi daw. Ang huling kita