“ANO NA NAMAN ba ang kailangan niyo sa akin?!” sigaw niya sa sobrang inis. The last time na nagpakita ang babaeng kaharap niya sa kan’ya, napilitan siyang gawin ang hindi dapat. Na naging dahilan para magtago siya ng ilang taon. Ngayon lanh niya napagtantong, ito talaga ang pinakapuno pala ng paghihirap niya. Dahil din sa mga pananakot nito sa kan’ya kaya napilitan siyang tanggapin ang alok ng kapitbahay niya. Parang si Efren lang ito, kapahamakan ang dala sa kan’ya. “Relax, Naarah!” anitong nakangiti. Masamang tingin ang pinukol niya sa babaeng kulay bughaw naman na kulay ng buhok. Nakailang palit na kaya ito ng kulay ng buhok sa loob ng ilang taon? “Paano ako magre-relax? Sabihin mo nga? Napunta ako dito na napuno ng takot, tapos magre-relax lang ako? Wow!” “Si Daddy ang may utos