“B-BABE…” dinig ni Naarah na sambit ni Akilah sa kabilang linya. Mukhang nagulat ito dahil sa tanong niya sa ama. Habang ang ama naman ay hindi nakaimik. Tumayo siya kapagkuwan. Sinundan siya ng tingin ng ama. “A-anak.” “Alam kong kilala mo ang Markesa na tumutugis sa akin no’n. Hindi ko lang alam kung ano ang koneksyon mo sa kanila pero habang maaga pa, iwasan mo na sila. ‘Wag mong hintaying mawalan ka ng anak. Sobrang hirap ang dinanas ko sa kanila kaya ‘wag mo naman silang piliin. Pinilit kong maging mabuting anak sa ‘yo dahil nakikita kong mabuti kang ama kahit sa kabila ng negosyong meron ka. Kaya sana ‘wag mong sayangin ‘yon, Dad. Alam kong gusto mo rin ako maging katulad ni Molly, pero magkaiba kami. Hindi kita kokonsentihin. Kung sa pag-aakala mo na nilalason ni Akilah ang isipa