KAKAPASOK LANG NI Naarah sa loob ng bahay nang tumunog ang telepono niya. “Dad,” aniya nang sagutin iyon. “Ipapasundo kita diyan. Gusto kitang makausap tungkol kay Dario.” Napatingin siya sa asawa na nasa sala. May kausap rin ito sa kabilang linya kaya lumabas muna siya at kinausap ang ama. Mukhang alam na nito ang katauhan ni Dario. Hindi pa kasi nabanggit yata ni Tristan sa ama ang lahat. Sabagay, mas abala si Tristan sa pag-aalaga sa magulang nito pati sa kompanyang hawak nito na pag-aari ng mga umampon dito. “S-sige, Dad.” Akala niya nga, may alam na ang ama, malihim kasi masyado. Pumasok siya sa loob pagkatapos na kausapin ang ama. Saktong kakababa lang din ng telepono ni Dario este ni Akilah. Dapat sa bahay nito sila titira pero baka magtaka ang ama. Hindi pa niya napapaalam ang