NAPAKUNOT NG NOO si Naarah nang maramdaman ang mabigat na naka-angkla sa kan’ya. Gusto niyang magmulat pero nakakapagtakang may katabi siya sa pagtulog.‘Sino ang katabi niya?’ Ramdam niyang lalaki ang nagmamay-ari ng binti dahil sa mabalbong binti nito. Napamulat siya bigla nang maramdaman ang paggapang ng kamay nito mula sa puson niya hanggang sa dibdib niya. Nanlaki ang mata niya nang mapagsino ang nagmamay-ari ng binti at ng kamay. “A-Aki?!” aniyang ikinamulat nito. “Anong ginagawa mo dito? Bakit magkatabi tayo?” “Tinawagan mo ako kagabi at sabi mo puntahan kita dito,” seryosong sabi nito. “Seryoso, ginawa ko ‘yon? Tapos m-may n-nangyari ba sa atin?” “Wala pa. Ngayon pa lang, ma’am.” Bigla siyang umibabaw sa akin kaya tinulak ko siya. “Umalis ka nga, Akilah! Ano ba!” Niyakap s