ILANG SANDALI PANG nakatayo si Naarah at nakatingin sa camerang nabasag. Nagbaba din siya ng tingin sa tasa kapagkuwan. Kalat na ang pira-pirasong tasa at CCTV camera. Tinawag niya ang isang kasambahay nila pero walang sumasagot. Lumabas siya at hinanap ito, baka maagang nagdilig ng halaman. Hindi pa rin niya makita kaya lumapit na siya sa guard. “Ay, wala na po sila, ma’am. Umalis po kaninang umaga, utos po kasi ni sir Dario.” “Ano?! S-si Dario na…” Tinuro pa niya ang tinutuluyan ni Dario sa gilid ng bahay niya. “Opo. ‘Yon po ang sabi nila sa akin bago umalis.” Hindi niya maiwasang mapasinghap sa narinig. “Teka lang, bahay ko ‘to, kaya bakit siya ang nagdesisyon?” Nagkibit balikat naman ang guard. “Hindi ko po alam, ma’am, e.” Tumingin siya sa tinutuluyan ni Dario. Wow, talagang s