“ANONG ORAS KA nga uuwi? Nagyaya kasi silang uminom. Hindi naman ako p’wedeng magmaneho nang nakainom. Isa pa, naka-duty pa ako.” “I-ikaw, kung anong oras. P’wede ka naman uminom. Isipin mo na lang na day off mo.” “Paano kung nalasing ako, ‘di hindi ka makakauwi?” “Nandiyan naman si Tistan, ihahatid ako kung sakali.” Biglang nagbago ang reaksyon ng mukha ni Akilah kaya nagsisi siya. Sana pala hindi na niya nabanggit si Tristan. “O-okay. Pasok na ako.” Tumalikod agad at humakbang papalayo. May kirot siyang naramdaman sa ginawa nito. Si Akilah na nga ang nasa harapan niya pero gano’n pa rin, parang hindi sila magkakilala. Parang hindi nila pinagsaluhan dati ang tamis nang pagmamahalan. “Hindi mo ba ako kukumustahin, Akilah?” Napatigil ito sa sigaw niya. Nilingon siya nito. “Nasa mab