“SAAN TAYO, MA’AM?” tanong ni Dario sa kan’ya nang makasakay sila sa sasakyan. Hindi siya sumagot kay Dario, nagtipa siya sa screen na nasa harapan nila ng location kung saan ang tungo nila. Kita niya ang pagkunot ng noo nito sabay tingin sa kan'ya. Sinalubong niya lang ito at tinaasan ng kilay. Araw ng Linggo ngayon, may lakad siya nang ganito kaaga. Sa isang resort sa Quezon Province ang venue ng birthday ni Grecco. Kilala niya si Grecco dahil kay Akilah kaya siya naimbitahan. At hindi niya alam na isa rin sa kaibigan ito ng kapatid. Never pa niyang nakita si Tristan noon na kasa-kasama si Akilah. Pero ang sabi ng kapatid, hindi ang mga ito madalas nagkakasama sa field. Pero kahit na hindi sabihin ni Grecco sa kan’ya nang deretso, alam niyang si Akilah ang pinapapunta nito. Ayon ka