PAPALABAS NA SILA ni Dario sa elevator nang may sumagi sa isipan niya. Kahapon pa niya inuulit-ulit ang pangalang Dario sa isipan. Magdamag din siyang ginulo nito sa isipan. Kahit anong pambabalewala niya dito, gano’n pa rin. Familiar, kahit ang boses, ang pangangatawan. At ngayon lang niya napagtanto nang makita ang bahagi ng buhok nito sa likod. Kakaiba. Hindi kagaya ng normal na dulo ng buhok ng lalake. Bakit nga ba nawala sa isip niya? Gosh! Nai-kwento sa kan’ya ni Akilah noon ang tungkol sa ibang katauhan niya kapag nasa misyon, si Dario. Ang hindi lang niya maalala ang apelyido! Muli niyang tiningnan ang likuran nito. Ang balikat niya parehas na parehas kay Akilah. Ang pinagkaiba lang nila, ang pagiging seryoso nito. Si Akilah kasi, puro kaharutan ang nasa isipan kaya hindi niya