“WAKE UP, DICKHEAD!” “Hmm,” tanging sambit ni Akilah nang marinig ang boses ni Grecco. Antok pa siya dahil sa ginawa kagabi. Tatlo kasi sa mga alaga niyang rabbit ang nanganak. Kasama doon si Rana kaya napuyat si Akilah nang husto “May bagong misyon si boss sa ‘yo.” “Pass muna,” aniyang nakapikit at tinakpan ang mukha ng unan. “Nakailang pass ka na, pal.” Ramdam niya ang pagbagsak ni Grecco sa gilid niya. Hindi siya sumagot, nagkunwaring tulog siya sa pamamagitan ng hilik. Sa loob ng isang taon, apat na beses lang siya sumalang sa misyon. At pinipili niyang misyon mga malayo sa Maynila. Ang kakatapos niya lang ay sa Indonesia. Pero ngayon, hindi siya pwedeng umalis dahil sa mga alaga niya. “Iwan ko lang ang USB sa mesa mo,” dinig niyang sabi ni Grecco sabay tayo. “Can I borrow yo