ONE YEAR LATER… “Ma’am, tumawag po si Sir Tristan kung sa bahay niyo daw po kayo magdi-dinner?” “Hmm, hindi mo ba na-cancel ‘yong dinner meeting kay Mr. Segovia?” “Cancelled na po, nabanggit ko na po kanina. Hindi niyo po yata narinig dahil nilalaro niyo po si Baby Zale.” “Oh, sorry. Sige, darating kamo kami,” pagkasabi niya ay tumalima agad si Maria Clara, ang sekretarya niya. Oo, bago na ang sekretarya ni Naarah. Pagkaupo na pagkaupo niya ay pinalitan niya ang sekretaryang nanlandi noon kay Akilah. Ayaw kasing tanggalin ni Akilah noon dahil baka mangamote daw ito sa trabaho kung bago ang sekretarya nito. Natampal niya bigla ang ulo niya nang mapagtantong si Akilah ang nasa isipan niya. Mahigit isang taon na ang nakalipas simula nang maghiwalay sila ni Akilah. Ang rason? Kasal nga