ILANG BESES NA lumingon si Akilah sa likuran niya. Baka mamaya nakasunod si Arah sa kan'ya. Sinabi pa naman niyang walang signal dito. Ang totoo niyan, piling lugar lang ang meron kapag naka-off ang tower na pag-aari ng boss niya. Hindi niya pa rin maintindihan ang boss niya bakit kailangang patayin pa ang tower. Itinaas niya ang telepono para magkaroon ng signal. Nagkaroon nga, mahina naman. Kaya hihintayin pa niya ang ilang minuto. Ilang sandali pa ay nagsipasukan na ang mensahe pero hindi ang inaasahan niya. Napakunot siya ng noo nang makatanggap ng mensahe mula sa kaibigan ni Bea. Hinayaan niya iyon. May hinihintay siyang mensahe kasi mula kay Jacob. Nagbilin na siyang asikasuhin ang alaga ni Arah na rabbit bago umalis. At kanina tinatanong niya kung napapakain ba nito. Dahil mukha