“B-BAKIT?” Humarap ito sa kan’ya at tumitig. “Kapag sinabi ko ba, hindi mo ba ako iiwasan?” Napakunot siya ng noo. “Anong klaseng nakaraan ba ‘yan at kailangang iwasan ka?” “My sister was killed on my birthday.” Napasinghap siya bigla. “Oh… I’m sorry. Wala akong kaalam-alam sa mga nangyari sa ‘yo.” “It’s okay. Wala naman kasi akong ibang pinagkakatiwalaan ng nakaraan ko before, maliban sa tatlong malapit kong kaibigan.” Tumango-tango siya dito. Naiintindihan niya. Sino lang ba siya dito noon? Laruan. Sa totoo lang, konti lang ang alam niya dito. Tapos halos sa iba pa niya nalalaman. “I killed her.” “Ha?!” Hindi niya alam kung tama ba ang pagkakarinig niya sa sinabi nito. “I killed my sister.” Napasapo siya ng labi dahil sa sinabi nito. Nakaramdam siya ng takot pero hindi niya