“BABE?!” PANINIGURADO NI Akilah sa kan’ya nang harapin siya nito. Nag-aalangang nagtaas lang siya ng kamay dito. “What the heck! Ano bang nangyare? Bakit ka kasi sumama dito?” pagalit nito habang papalapit sa kan’ya. “Wala akong magawa sa bahay na ‘yon kaya sumama na lang ako.” Inabot nito ang kamay niya kapagkuwan para tulungan siyang makaakyat. “Wala namang nagsabi sa ‘yong magtrabaho ka dito, a.” “Wala nga. Pero gusto ko lang.” Umiling-iling ito bago siya iginiya paalis doon. Sa likod sila dumaan dahil may balon doon. Nakakahiya kung makita siyang gano’ng ang ayos. Tinulungan siya ng binata maglinis ng katawan pagdating doon. Kumuha din ito ng towel at maisusuot nito sa loob. Excited na nagsuklay siya nang malamang kasama ni Akilah si Helena. Kaagad niyang tinapos iyon para pun