“ANONG REGALO BA ang gusto mo?” nakangiting tanong ni Axel kay Akilah habang inaabot ang baso ng alak. “‘Yong magugustuhan naman ng anak ko,” aniya. “Para sa inyo ang ireregalo dahil kasal niyo. Baliw!” Umiling pa si Axel. “Ang sabihin mo, pal, gusto niyang ipa-shoulder lahat ng pangangailangan ng mga anak niya Ayaw lang niya gumastos,” singit ni Grecco. “‘Yan ang tinatawag na praktikal. Kita niyo naman, hindi naman ako mayaman. Sabi nga no’ng babae sa taktak, mindset ba, mindset!” aniyang natatawa. Nandito sila ngayon sa condo niya para ganapin ang bachelor party. Dapat walang ganito kasi gastos nga. Pero naalala niyang sagot daw ni Tristan kaya sige, bahala na ang mga ito. May pinag-iipunan kasi silang mag-asawa, at dapat masimulan na ang farm nila sa Laguna. Bubuhayin nilang mag-as