NAPATIGIL SA PAGTAWA si Naarah nang mapansin ang teleponong umiilaw sa may handbag niya. Si Akilah siguro. Ang ten minutes na binigay nito kasi sa kan’ya, ginawa niyang isang oras. Yes, as in isang oras pa silang magkasama ni Theo, kaso sa labas na. Naglalakad-lakad sila para magpababa ng kinain hanggang sa makarating sa parke. May naabutan silang grupo ng mga kabataan doon na nagpapaligsahan sa sayaw. Nalibang silang dalawa lalo na si Theo dahil binabayaran nito ang grupo para sumayaw sa harapan nila hanggang sa hindi niya namalayan ang oras. Nagpaalam na siya kay Theo pagkatapos ng performance ng mga bata. Pero sinabayan din siya nito hanggang sa suite nila. Kaya naman, banas na banas na mukha ng asawa ang bumungad sa kan’ya sa suite. “Isang oras talaga, Naarah? Saan pa kayo nagpunta,