Eviane's P. O. V. "Garrison." "What the f*ck are you doing here!? Hindi ba kakausap ko lang sa 'yo kanina? I told you I don't want to see you!" Biglang nag-init ang dugo ni Garrison nang makita nito si Jonathan. Lumakad ito papalapit kay Jonathan at sa takot kong may gawing masama si Garrison sa kaniya, mabilis akong umabante at pumagitna sa kanila. "Please, kumalma ka. Pag-uusapan natin lahat, Garrison." "Why, are you defending him now? Sabagay, kayong dalawa nga pala ang magkakampi, that even though you're cheating on me, nagagawa niyang pagtakpan ka, so magtatakipan kayong dalawa rito?" he said sarcastically. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata nito. Parang hindi na siya ang Garrison na nakilala ko. Umiiling ako sa kaniya at hindi alam ang sasabihin. Tama nga si Jonathan, tulu