Eviane's P. O. V. Habang umiinom ako ng gatas pang-buntis ay siyang biglang pagbukas ng elevator. Sa pag-aakalang si Garrison iyon ay hindi ko na inubos ang nasa baso at inilapag iyon sa lamesa. Tumaas ang kilay ko, sabay lakad patungo sa elevator ngunit nakita ko lamang si Jonathan na mag-isa. "Eviane..." malungkot ang tono ng boses niya. Tila ba may hindi magandang nangyare at masama ang kutob ko. "A-Ano?" Dahan-dahan itong lumakad papalapit sa akin. Napayuko siya kasabay ng pagkawala nito ng malalim na buntong hininga. "I'm sorry, I was dumb... Hindi kita naprotektahan, ang relasyon niyo ni Sir." Napakunot ang noo ko, hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. "H-Hindi mo naman obligasyon ang relasyon namin. Pero yung tungkol kay Azrielle, paano na?" tanong ko. "Kailangan